Ang Panginoon ang aking pastol

// Leave a Comment
Refrain:
Ang Panginoon ang aking pastol,
Pinagiginhawa akong lubos.

Handog niyang himlaya’y
Sariwang pastulan
Ang pahingahan ko’y
Payapang batisan
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan
Sa tumpak na landas,
Siya ang patnubay.
(refrain)

Madilim na lambak man
Ang tatahakin ko
Wala akong sindak, siya’y kasama ko
Ang hawak niyang tungkod
Ang siyang gabay ko
Tangan niya’y pamalo,
Sigla’t tanggulan ko.

0 comments:

Search This Blog

Loading...